ATTENTION

This Site is no longer working properly. The story A meets Z has been move to another blogspot site.

Monday, October 4, 2010

Chapter 2: Day 0 (:

dun lang naman natapos yung mga pangyayari nung gabing yun. wala ring masyadong nangyare pagtapos nun. umiyak lang naman ako at kinomfort ni AJ. sweet no? sana siya na lang nagustuhan ko. badtrip kasi. bakit ba nauso pa ang EX sa mundo?! sana wala na lang EX?! bakit pa kailangan gumawa ng isang tao na ang maging tanging papel lang sa buhay mo ay maging EX?! at mahirap tanggapin dun na yung EX na yun ay hindi mo na maibabalik?! nakakainis :(

Bakit nung mga bata tayo, pag umiyak tayo, makukuha na natin ang mga laruang gusto natin pero ngayon, kahit na umiyak tayo ng isang litro, hindi natin makukuha ang minamahal natin :(

ang UNFAIR :[

natigil naman yung pagcocomfort saken ni AJ nung biglang dumating si Shaina at Andy na hapong-hapo. nung nangyare kasi yung napaka asdfghjklzxcvbnm na pangyayare na nagpaguho sa buhay ko, to the rescue syempre ang mga kaibigan ko.

Nung kinakausap ko nga si Shaina at Andy, parang nawala sa mood si AJ. bigla na lang siyang naging cold sakin. yung tipong ganun. parang nung una ang saya saya niyang kausap tapos biglang magsasabi ng "alis na ko" i mean hindi lang siya basta basta `alis na ko`. isa siyang napakacold na `alis na ko`. gets niyo? AMP. gulo ko

so yun nga, back to reality na naman. back to schoolworks, quizzes at seatworks. Wala namang bagong nangyayare sa buhay ko ngayon.

Bestfriends ko pa rin si Andy at Shaina. As of AJ, napapalapit (wait! hindi pala napapalapit as in close friends. napapalapit as in reffering to `distance`) lang siya sakin kapag kausap niya si Andy. Eh diba kakambal niya yun? Alam niyo na, pinagaawayan pa rin nila yung utang KO (daw!) na 700 pesos na hindi ko naman talaga utang. AMP

At as of kay Francis naman :( ayun, wala pa din. sanay na rin ako. halos 2 years na rin kasing walang pansinan diba :| hanggang tingin na lang. Yun nga, finally MU na sila ni Jeanna na palaka na mangaagaw na tanging dahilan ng break up namin na nakakabwisit talaga ang pagmumukha. yung tipong ang plastik plastik niya pag nagkakasalubong kami. nabati pa siya sa kin ng `Hi` na may ngiti pa. TSS.

Monday na ngayon and Chemistry time namin. Dahil absent ang teacher sa Chemistry nung isang section ng 3rd year, makikisali muna sila sa Chem Lab Activity namin ngayon. Gusto ko sana na section C. Kasi andun si Francis pero syempre merong disadvantage dun. andun si AJ :|

Ewan ko ba kung baliktad yung sinabi ko. sino nga ba ang disadvantage ko dun? Si AJ o si Francis? O baka naman both? (?!) EH?! Pero bakit gusto ko na Section C? HAAAAAYYYY ang gulo ko talaga :x

At dahil prinoproblema ko nga yung makakasama namin sa Chem Lab, nagulat na lang ako nung tinapik ako ni Andy sa balikat ko sabay sabi ng "Lika na. Malelate pa tayo"

ngumite ako tapos tumayo na rin ako mula sa upuan ko. mas naunang maglakad sakin si Andy. Hindi pala namin classmate si Shaina. Nasa Section A yun! Matalino eh :))

Medyo wala pa ako sa sarili ko nung pumasok ako sa Chem Lab. Lalo pang bumagal yung paggana ng utak ko ng makita ko na si Jeanna at Francis ay magkatabi. Sila pala yung magpartner :| TSS. at eto nga section C ang kasabay namin sa Chem Lab :|

Frozen yung katawan ko. Hindi ako makagalaw. Napapaluha ako. TSS. to much drama. Shit :|

At sa hindi inaasahang pangyayare may humatak sa kamay ko papaupo sa isang upuan. At ang humatak sakin ay si AJ O.O

"kanina ka pa nakatunganga dyan. nakakahiya ka." walang emosyon yung pagkakasabi niya sakin nun.
"tss. pupunta na ako kay Andy. siya yung lab partner ko" tatayo na sana ako nun pero hinigit niya na naman ako paupo. at aray, ang saket ng pwet at kamay ko dun ah :x
"may lab partner na kaya si Kambal! ako na lang lab partner mo. wala ka namang choice eh" may choice ako kanina. ngayon, wala na. AYYY BADTRIP :|
"ano pa bang magagawa ko diba?" inayos ko na yung upo ko na nakaharap sa kanya. ang awkward pala pag ganito. kaharap mo lang siya. gusto kong iexamine yung mukha niya o.o TSS. kung hindi lang ako patay na patay kay Francis, matagal na akong nainlove kay AJ!

JOKE :)) HAHAHAHA. asa

tiningnan ko muna yung dalawang malalandi sa dulo. ayun, nagmistulang date yung Chem Lab Activity namin sa kanila. napabuntong hininga na lang ako. Napansin ko na nakatingin lang sakin si AJ nun.

"tinitingin tingin mo dyan?" taray ng lola niyooo :))
"wala. masama na ba ngayong tumingin sayo? :)" nakangiti siya nung sinabi niya yun. katunaw ngumite eh :)) inayos pa niya yung buhok niya. sa totoo lang, hindi siguro `pagaayos` ang tawag dun. nagmukha pa ngang magulo pero astig naman. bagay sa kanya yung buhok niya. Mas nagpapagwapo nga eh :))

Nagbigay na ng instructions yung teachers namin. As usual, wala naman akong naintindihan. Reresearch ko na lang sa Internet :bd TAMAAA! yan ang buhay estudyante HAHAHAHA :))

Mukhang tamad ding gumawa ng activity etong si AJ at biglang nakipagkwentuhan sakin :))
pero sa gitna ng kwentuhan namin, siningit niya ang pangaasar na..

"Selos ka no?" :->
"saan? o.O" kunware daw wala akong alam :))
"dun oh. sa EX mo pati dun sa bago niya :->"
"hindi ah -.-" kahit oo :(
"tama yan. wag kang magselos sa kanya. walang kwenta yung babaeng yan :) Mas maganda ka pa dyan. at mas mabait. Alam mo ba, 2 days ko lang linigawan yan, sinagot na ako. Patay na patay sakin yan eh"

hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun. bakit niya sinasabi yan? pinapagaan ba niya yung loob ko o sadyang nagsheshare lang siya? o.o
Pero hindi ko na lang iisipin yun. Napagaan niya naman yung loob ko nung sinabi niya yun.

Umalis muna yung teacher namin. May aasikasuhin dun sa advisory class niya. Kaya yun, nagsimula na ang kaningayan sa Chem Lab.

Hindi pala masyado friendly si AJ sa ibang tao maliban lang dun sa Crew(dance group. sumting :]]) niya. Pero hindi niya ako iniwan. Hindi siya nakipagdaldalan dun sa mga katropa niya eh. Andun lang siya sa harapan ko. Tumitngin tingin sa paligid niya then titingin saken then titingin kela friancis then sakin ulit then sa ibang tao uli :)) AMPUDI HAHAHAHA

natulala na lang akong bigla kay Francis. Ang saya saya niya kasi kasama kay Jeanna. Napasip tuloy ako, naging masaya kaya siya nung KAMI pa :| ganyan kaya siya kasaya noon?

Napatingin naman sakin bigla si Francis. Hindi ako makaiwas ng tingin. Hindi rin naman siya umiiwas ng tingin. Parang nalock yung mata namin sa isa't-isa.

Kumurap na ako nun at nung ibabalin ko yung tingin ko kay AJ.

Sakto O.O

A Shit Happened


Hinalikan ako ni AJ sa lips na dapat pala ay sa Cheeks lang. Halos isang segundo lang ang tinagal nun.

Lahat sila nakatingin
Si Andy
Si Jeanna
Si Francis

Hindi ko maintindihan yung reaksyon ni Francis. I mean, parang ang OA nung reaction niya na tipong hindi ko na maintindihan.

Hindi pa nakakalayo sakin si AJ nun ng bumulong siya ng..















"Ang galing natin. Nagselos yung Francis mo" o.O

Friday, September 17, 2010

Chapter 1: Prom Night :)

so yun nga. tapos na ang storytelling ng cause ng nakakainis na pangyayari sa buhay ko. back to reality na. prom night na. simula na nung date chuchu thingy :)) nakakabadtrip eh. kahit na si AJ ang pinakagwapo na tao sa mundo, hindi siya yung gusto kong makadate :( choosy no?

grabe yung make-up ko. ang kapaaaaal. sila Andy naman kasi eh, pinabongga pa. sabi pa nila wala akong babayaran! malamang wala talaga, ano bang ibabayad ko?! badtriiiiip kasi.

nung tapos na kaming mag-ayus, pumasok na rin kami dun sa hotel. bongga nu? may pahotel-hotel pang nalalaman :)) kaya syempre, lumong-lumo kami. pano ba naman 2000 binayaran namin?!

pinuntahan na si Shaina at Andy ng mga kadate nila. nakakainggit. buti pa sila may mga kadate na gentleman na handa silang puntahan. eh ako? hindi ko man lang makita yung kadate ko. hay nakoooo. pagpapahanapin pa ako eh :))

hinanap ng mga mata ko yung AJ na yun. at dahil magaling akong manghanap ng pogi, ayun nakita ko naman siya :))) nakatayo lang siya dun sa isang sulok. nakasandal sa pader. bumilis yung pagtibok ng puso ko. yung tipong parang nasa isang movie scene ka na nakikita mo yung lalaki na nasisinagan pa ng mga ilaw na lalong nageemphasize sa kagwapuhan ng pagmumukha niya. alam niyo yung feeling na, sa dinami-dami ng nakikita mo, siya lang ang napapansin mo. yung tipong, angat na angat yung aura niya. pero ang masaklap, ikaw lang ang nakakaramdam nun. siya, hindi :|

natatakot ako na lapitan siya. hindi ko alam kung bakit. siguro, dahil hindi kami close. tsaka, hindi kami bagay :| masyado siyang mataas. eh ako? napakasimple lang. pag ikukumpara ako sa ibang babae dyan na pwede niyang idate, taob na taob na ako.

napatingin naman na si AJ sakin. nagulat ako nun. hindi ko akalain na titingin siya. kasi naman, sa dinami-dami ng pwede niyang tingnan, hindi niya naman na ako siguro mapapansin. hindi ko alam kung makikipagtinginan pa ba ako o iiwas na lang ako ng tingin. tumingin ako sa ibang lugar para kunware hindi ko siya napansin. tumalikod na rin ako sa kanya. nakakakilabot eh.

maya-maya naman biglang may humawak ng kamay ko. tiningnan ko, si AJ. nanlamig bigla yung buong katawan ko. brr o.o

"nakalimutan mo na ba? kadate kita ah." isa pang gulat factor!
"ah. oo. sabi ko nga eh. pupuntahan na sana kita eh." wooo. palusot ko naman :))
"sus. gusto mo magsayaw?" nanlaki yung mata ko nun. yayayain niya ako?! hindi ako makasagot. hindi nga kasi alam yung sagot. tae, mas mahirap pa 'to sa identification test eh. yes or no na nga lang, hindi ko pa masagot. may choices na nga eh! o.O

kikiligin na sana ako kaso nabitin nung sinabi ni AJ na "kasi ako, ayaw ko magsayaw eh. tara, usap na lang tayo"

alam niyo yung BASAG? eto yun eh :|

paanong ayaw niyang magsayaw, eh dancer yan?! ayaw na lang sabihin na ayaw niya lang yung `makakasayaw`! tss.

"ah sige, ayaw ko rin naman magsayaw eh" tss. basag. basag. basag.

pumunta kami dun sa labas nung hotel. umupo kami dun sa may fountain. medyo nalayo na rin kami sa mga tao nun. parang kaming dalawa na nga lang eh. hindi ko rin feel yung prom. akalain mo yun, walang sayawan, kwentuhan lang?! :))

ang tahimik nun. parang hindi ko nga kasama si AJ eh. parang puro stars lang yung kasama ko. tiningnan ko si AJ, busy siya sa pagtanaw sa mga bituin. eh di ginaya ko rin siya. tiningnan ko rin yung mga stars. napansin ko na may airplane na dumaan. dahil dun binasag ni AJ yung katahimikan na nagmimistulang pader para sa amin.

"alam mo ba kapag nakabilang ka ng one hundred na airplanes, pwede kang magwish. tapos magkakatotoo daw yun?" may nalalaman pa palang ganito si AJ. hahaha :))
"oh? pangilan na yung kaninang dumaan?"
"100th :]" ang swerte. magkakatotoo na yung wish niya.
"ay! astig. nakumpleto mo na! ano naman yung winish mo?!"
"ah.. un.. ang corny eh. wag na" nagpakipot pa ang loko. badtrip nu? hahaha :))
"ano ngaaa?!"
"ano kasi.. na makita siya.." hokaaaayyy. hindi ko masyado nagets o.O
"anong makita siya? sinong siya?!"
"hindi ko rin kilala yung siya na yun eh" ang labo o.O
"ang labo mo din naman ah"
"basta. tss. ano bang alam mo sa love?" haaaaa?! totoo ba 'tong naririnig ko at nababasa niyo?! si AJ?! nagtatanong saken ng tungkol sa L-O-V-E as in LOVE?! o.O
"love?"
"ay hinde hinde! kakasabi ko lang eh :))" amp nambara pa eh
"sorry naman! :)) nagulat lang"
"eh ano nga? anong alam mo sa love?" hm, first time kong matanung ng ganito and mahirap nga siya :)) "uhm, siguro mali yung tanong ko" napatigil siya nun. pero itinuloy niya rin naman. "eto na lang pala, nakaexperience ka na ba ng love?"
ayy buti naman medyo dumali yung tanong.
"ha? dapat ko pa talagang sagutin yan? o.O"
"okay lang yun. ako lang naman ang makakaalam eh"

hindi ko alam na parang kusang sumagot na lang ako ng "oo, linchak nga eh. nakaexperience pa ako"
nagulat siya dun sa sagot ko. "eh? paano? magkwento ka na"

hindi ko rin alam na kusa na rin palang bumuka yung bibig ko. feel ko kasi, biglang gumaan yung loob ko sa kanya.

"tae kasi yung love na yan eh. hindi mo maintindihan kung love talaga o nagkukunwaring love talaga eh. hindi mo tuloy maintindihan kung infatuation o love. napapatanong nga ako kung sapat na ba yung rason ko para masabi sa taong yun na mahal ko siya eh" akala ko hindi makikinig si AJ. feel ko kasi, wala ring kwenta yung pinagsasabi ko eh. pero mali pala yung inaakala ko, kasi mukha siyang interesado. "malabo din kasi hindi mo alam kung dapat mo pa bang ipaglaban o ilet go na yung taong yun. o hindi mo alam kung aasa ka pa ba o ipagpapatuloy mo ang paggawa ng lahat para sa kanya pero hindi niya mapapansin at malalaman"

"alam mo sana naririnig niya yan" mabilis akong sumagot sa kanya.
"hindi na rin siguro. mahalaga pa ba na alam niya"

first time ko na sabihin 'to sa ibang tao. wala naman talaga akong pinagsasabihan neto eh. grabe, ibang klase si AJ. hindi ko naman siya close pero siya lang ang napagsabihan ko neto.

"ang tagal tagal na rin kasi nun eh. 2 years na yun. bulok na bulok na yung experience na yun sa puso at utak ko"
"alam mo hindi ko alam kung anong sasabihin ko...















wala akong experience eh"

ay syiiiit o.O inosente pa pala 'tong mokong na 'to. huwaaaaaaw.

"di nga?"
"oo nga. nakakainggit ka nga eh. sino ba yung swerteng lalaki na yan haa?"

ay yung lalaking yun swerte. ako kasi, HINDI :(

magsasalita na sana ako nung may malakas na music na tumugtog sa loob nung hotel. napatayo kami ni AJ nun. kitang-kita dun yung stage.

andun siya

napatitig ako. rinig na rinig ko yung boses niya.

"ehem. excuse me guys. ayaw ko lang sayangin yung opportunity na 'to para sabihin kay Jeanna na handa akong maghintay sa kanya hanggang pumuti ang gabi ♥"

nagsigawan yung mga tao sa loob. napatitig na lang ako sa kanya. sa kanila. hindi ko alam, si Jeanna pala yung yinaya niyang kadate.

That Should be Me. ako dapat yung kadate niya eh. ako dapat yung sinasabihan niya yan. ako kasi DAPAT :(

nafeel kong nakatingin sakin si AJ. nung mga oras na yun, hindi ko napigilang umiyak. hindi ko kaya eh.

napatungo na ako nun. nakakahiya kasi eh. napaiyak pa ako. ang tagal tagal na nun. bakit hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin?! ayoko na

hinarap ako ni AJ sa kanya tapos yinakap niya ako. Oo, yinakap niya ako.

"ang swerte nga naman niya. siya pa minahal mo"

lalo akong naiyak nun. feel ko ngayon ko lang naibuhos yung 2 years na sakit na naramdaman ko. natandaan ko ulit yung sinabi niya sakin nung nawalan na ng KAMI, "bakit ka ba ganyan ha? parang hindi kita girlfriend ah!"

"siya pala..."














Oo, siya nga
si Francis Daniel De Guzman :(

Saturday, September 11, 2010

Prologue

foundation dito. foundation doon. ayos ng buhok dito. banat doon. badtriiiiip. ayus ng ayus. wala ng iaayus yan, dati ng maayus mukha koooo. amp, nagmumukha akong bakla neto eh. prom lang 'to mga neng, mukhang ikakasal ako ah!

"grabe naman kayo mangbanat ng buhok. baka mamaya kalbo na ko pagdating dun eh!" at syempre, ako naman 'tong pambansang reklamador :))
"ano ba Zerliii?! kuya ko partner mo. dapat maganda kaa >:)" siya ang may pakana ng pagdurusa ko. tandaan niyo ha. si Andy Benitez.
"oo nga naman! magiging masaya ka rin naman pagtapos neto eh. wala ka namang binayaran eh :))" at eto naman ang ever so loving bestfriend ko na ever so supportive kay Andy. tandaan niyo din 'to, si Shaina Corpuz.
"pssh" at ako ang napaglaruan. si Zerlina René De Castro.

Isa lang akong simpleng estudyante. amp, ang corny ng simula. palibhasa, hindi ko nga alam kung paano sisimulan 'tong storya na 'to. alam niyo kasi, late na yung dating niyo eh. hindi niyo tuloy natunghayan yung cause ng lahat ng nangyayare sa buhay ko ngayon. nakakaines. so ngayon, dapat ko pang ikwento lahat lahat simula sa simula :)) hmm, nagsimula ang lahat ng 1st year highschool ako nung...

"bakit ka ba ganyan ha? parang hindi kita girlfriend ah!"
"ikaw din naman. parang hindi ka boyfriend sakin ah"

hopyaaaaa. mali mali. masyado na palang late nung 1st year highschool. medyo ilapit natin. kamakailan lang, last week lang ata yun. HAHAHA. dapat daw lahat ng juniors may date sa prom. eh dahil masyado nga akong maganda at super lumelevel-up ang beauty ko, walang nagyayaya sakin sa prom. alam niyo yun, masyado kasi akong overqualified. chaaaaar :)) ewan ko ba kung bakit walang nagyaya sakin. hindi ko rin maintindihan sa mga kalalakihan ngayon kung ano bang taste nila sa babae. siguro, gusto nila ng mga wild type. yung tipong pagtapos ng prom, diretso kama na. eeeew naman yun diba?!

kaya ayun, yung mga tao tao ay gumawa ng isang activity para sa lahat ng mga juniors. hiniwalay lahat ng may mga date na at walang date. ayun, sa kasamaang palad, unti lang kaming mga walang date. mga 15 students lang ata kami. lima dun ay yung mga nerds. yung tipong, ang gusto nilang maging prom date ay yung mga libro na lang nila. tapos yung iba naman, syempre, yung mga hindi biniyayaan ng you know. yung `the looks`. ang ikinagulat ko na lang ay yung nag-iisang GWAPO *ehem*, maayus ang itsura lang pala na lalake na andun sa area na walang date.

overrrr. baka mali naman 'tong napuntahan ko kasi imposible naman na ang isang Aron Jie Benitez ay walang kadate. imposible na wala siyang yinaya na babae no. grabe kasi, boyfriend ng bayan yan eh. malamang ex ng bayan din. tapos heartbreaker ng bayan. mapagirl ka man o mapaboy ka, basta may kailangan siya sayo, papatusin ka niya. ewww. nagkajowa nga yan ng bakla eh. iniyakan lang siya gawa ng nalaman, pineperahan lang pala. alam mo na, kailangan kasi niya palagi ng load para maligawan yung mga babae na gusto niya talagang ligawan. okaaaayyyy, diba impusible yun? dapat atleast nga may plano yang idate ang limang babae tapos iiwan niya na lang sa ere. dun pa ako hindi magugulat :)))

so yun nga, ang activity na 'to ay parang business. bentahan daw kumbaga. so yun, hiniwalay yung mga babae sa lalake. yung mga lalake yung mga ibebenta. yung mga babae daw yung bibili. kaso ang twist, kabarkada ng babae ang bibili para sayo. at sino ang mga kabarkada ko? malamang yung dalawa na pinatandaan ko sa inyo kanina. si Andy at Shaina >:))

"we'll start our bidding na. unahin natin ang for sure na bentang-benta. si Aron mula sa section C"

nagsigawan naman yung mga babae pati yung mga katropa niya sa bandang likod. for sure, trip din 'to eh. napangiti na lang si Aron sa kanila at syiiiiiiiiiit ang pogiiii O.o watdahel?! nagninilandi na naman ako dito. ampudi x_x

"the lowest amount will be 100pesos"

may nagbid ng 150 pesos. ohaaa. benta nga. tinapatan naman netong si Andy ng 200. ay bwiseeeet, wag ako. kahit cute siya, ayoko siyang kadate. nakakahiya kayaaaa :))

may tumapat sa kanya ng 300 pesos. wuuu. go kung sino ka man! :))

tumapat naman si Andy ng 400 pesos. ayy grabe, kayaman naman ng babaeng 'to. basta siya ang may bayad, wag ako. kundi wala na siyang ulo kapag binatukan ko siya :))

may sumigaw pa ng 450. hanggang mgng 600. nagbilang si Andy ng pera.

wala na siyang pera (?!) o.O *crossfingers* amp.sana wala na para tapos na ang lahat ng 'to.

"omg!meron pa!"

ghaaaaaaaad.

"700 pesos!!"

nagbilang na sila ng 5..4..3..2..1..o.. at hanggang marinig ko na lang ang nakakainis na parte ng prologue na 'to.

"okaaaayyy, Aron is sold to Zerli by 700 pesos!"














badtrip diba? :x