ATTENTION

This Site is no longer working properly. The story A meets Z has been move to another blogspot site.

Friday, September 17, 2010

Chapter 1: Prom Night :)

so yun nga. tapos na ang storytelling ng cause ng nakakainis na pangyayari sa buhay ko. back to reality na. prom night na. simula na nung date chuchu thingy :)) nakakabadtrip eh. kahit na si AJ ang pinakagwapo na tao sa mundo, hindi siya yung gusto kong makadate :( choosy no?

grabe yung make-up ko. ang kapaaaaal. sila Andy naman kasi eh, pinabongga pa. sabi pa nila wala akong babayaran! malamang wala talaga, ano bang ibabayad ko?! badtriiiiip kasi.

nung tapos na kaming mag-ayus, pumasok na rin kami dun sa hotel. bongga nu? may pahotel-hotel pang nalalaman :)) kaya syempre, lumong-lumo kami. pano ba naman 2000 binayaran namin?!

pinuntahan na si Shaina at Andy ng mga kadate nila. nakakainggit. buti pa sila may mga kadate na gentleman na handa silang puntahan. eh ako? hindi ko man lang makita yung kadate ko. hay nakoooo. pagpapahanapin pa ako eh :))

hinanap ng mga mata ko yung AJ na yun. at dahil magaling akong manghanap ng pogi, ayun nakita ko naman siya :))) nakatayo lang siya dun sa isang sulok. nakasandal sa pader. bumilis yung pagtibok ng puso ko. yung tipong parang nasa isang movie scene ka na nakikita mo yung lalaki na nasisinagan pa ng mga ilaw na lalong nageemphasize sa kagwapuhan ng pagmumukha niya. alam niyo yung feeling na, sa dinami-dami ng nakikita mo, siya lang ang napapansin mo. yung tipong, angat na angat yung aura niya. pero ang masaklap, ikaw lang ang nakakaramdam nun. siya, hindi :|

natatakot ako na lapitan siya. hindi ko alam kung bakit. siguro, dahil hindi kami close. tsaka, hindi kami bagay :| masyado siyang mataas. eh ako? napakasimple lang. pag ikukumpara ako sa ibang babae dyan na pwede niyang idate, taob na taob na ako.

napatingin naman na si AJ sakin. nagulat ako nun. hindi ko akalain na titingin siya. kasi naman, sa dinami-dami ng pwede niyang tingnan, hindi niya naman na ako siguro mapapansin. hindi ko alam kung makikipagtinginan pa ba ako o iiwas na lang ako ng tingin. tumingin ako sa ibang lugar para kunware hindi ko siya napansin. tumalikod na rin ako sa kanya. nakakakilabot eh.

maya-maya naman biglang may humawak ng kamay ko. tiningnan ko, si AJ. nanlamig bigla yung buong katawan ko. brr o.o

"nakalimutan mo na ba? kadate kita ah." isa pang gulat factor!
"ah. oo. sabi ko nga eh. pupuntahan na sana kita eh." wooo. palusot ko naman :))
"sus. gusto mo magsayaw?" nanlaki yung mata ko nun. yayayain niya ako?! hindi ako makasagot. hindi nga kasi alam yung sagot. tae, mas mahirap pa 'to sa identification test eh. yes or no na nga lang, hindi ko pa masagot. may choices na nga eh! o.O

kikiligin na sana ako kaso nabitin nung sinabi ni AJ na "kasi ako, ayaw ko magsayaw eh. tara, usap na lang tayo"

alam niyo yung BASAG? eto yun eh :|

paanong ayaw niyang magsayaw, eh dancer yan?! ayaw na lang sabihin na ayaw niya lang yung `makakasayaw`! tss.

"ah sige, ayaw ko rin naman magsayaw eh" tss. basag. basag. basag.

pumunta kami dun sa labas nung hotel. umupo kami dun sa may fountain. medyo nalayo na rin kami sa mga tao nun. parang kaming dalawa na nga lang eh. hindi ko rin feel yung prom. akalain mo yun, walang sayawan, kwentuhan lang?! :))

ang tahimik nun. parang hindi ko nga kasama si AJ eh. parang puro stars lang yung kasama ko. tiningnan ko si AJ, busy siya sa pagtanaw sa mga bituin. eh di ginaya ko rin siya. tiningnan ko rin yung mga stars. napansin ko na may airplane na dumaan. dahil dun binasag ni AJ yung katahimikan na nagmimistulang pader para sa amin.

"alam mo ba kapag nakabilang ka ng one hundred na airplanes, pwede kang magwish. tapos magkakatotoo daw yun?" may nalalaman pa palang ganito si AJ. hahaha :))
"oh? pangilan na yung kaninang dumaan?"
"100th :]" ang swerte. magkakatotoo na yung wish niya.
"ay! astig. nakumpleto mo na! ano naman yung winish mo?!"
"ah.. un.. ang corny eh. wag na" nagpakipot pa ang loko. badtrip nu? hahaha :))
"ano ngaaa?!"
"ano kasi.. na makita siya.." hokaaaayyy. hindi ko masyado nagets o.O
"anong makita siya? sinong siya?!"
"hindi ko rin kilala yung siya na yun eh" ang labo o.O
"ang labo mo din naman ah"
"basta. tss. ano bang alam mo sa love?" haaaaa?! totoo ba 'tong naririnig ko at nababasa niyo?! si AJ?! nagtatanong saken ng tungkol sa L-O-V-E as in LOVE?! o.O
"love?"
"ay hinde hinde! kakasabi ko lang eh :))" amp nambara pa eh
"sorry naman! :)) nagulat lang"
"eh ano nga? anong alam mo sa love?" hm, first time kong matanung ng ganito and mahirap nga siya :)) "uhm, siguro mali yung tanong ko" napatigil siya nun. pero itinuloy niya rin naman. "eto na lang pala, nakaexperience ka na ba ng love?"
ayy buti naman medyo dumali yung tanong.
"ha? dapat ko pa talagang sagutin yan? o.O"
"okay lang yun. ako lang naman ang makakaalam eh"

hindi ko alam na parang kusang sumagot na lang ako ng "oo, linchak nga eh. nakaexperience pa ako"
nagulat siya dun sa sagot ko. "eh? paano? magkwento ka na"

hindi ko rin alam na kusa na rin palang bumuka yung bibig ko. feel ko kasi, biglang gumaan yung loob ko sa kanya.

"tae kasi yung love na yan eh. hindi mo maintindihan kung love talaga o nagkukunwaring love talaga eh. hindi mo tuloy maintindihan kung infatuation o love. napapatanong nga ako kung sapat na ba yung rason ko para masabi sa taong yun na mahal ko siya eh" akala ko hindi makikinig si AJ. feel ko kasi, wala ring kwenta yung pinagsasabi ko eh. pero mali pala yung inaakala ko, kasi mukha siyang interesado. "malabo din kasi hindi mo alam kung dapat mo pa bang ipaglaban o ilet go na yung taong yun. o hindi mo alam kung aasa ka pa ba o ipagpapatuloy mo ang paggawa ng lahat para sa kanya pero hindi niya mapapansin at malalaman"

"alam mo sana naririnig niya yan" mabilis akong sumagot sa kanya.
"hindi na rin siguro. mahalaga pa ba na alam niya"

first time ko na sabihin 'to sa ibang tao. wala naman talaga akong pinagsasabihan neto eh. grabe, ibang klase si AJ. hindi ko naman siya close pero siya lang ang napagsabihan ko neto.

"ang tagal tagal na rin kasi nun eh. 2 years na yun. bulok na bulok na yung experience na yun sa puso at utak ko"
"alam mo hindi ko alam kung anong sasabihin ko...















wala akong experience eh"

ay syiiiit o.O inosente pa pala 'tong mokong na 'to. huwaaaaaaw.

"di nga?"
"oo nga. nakakainggit ka nga eh. sino ba yung swerteng lalaki na yan haa?"

ay yung lalaking yun swerte. ako kasi, HINDI :(

magsasalita na sana ako nung may malakas na music na tumugtog sa loob nung hotel. napatayo kami ni AJ nun. kitang-kita dun yung stage.

andun siya

napatitig ako. rinig na rinig ko yung boses niya.

"ehem. excuse me guys. ayaw ko lang sayangin yung opportunity na 'to para sabihin kay Jeanna na handa akong maghintay sa kanya hanggang pumuti ang gabi ♥"

nagsigawan yung mga tao sa loob. napatitig na lang ako sa kanya. sa kanila. hindi ko alam, si Jeanna pala yung yinaya niyang kadate.

That Should be Me. ako dapat yung kadate niya eh. ako dapat yung sinasabihan niya yan. ako kasi DAPAT :(

nafeel kong nakatingin sakin si AJ. nung mga oras na yun, hindi ko napigilang umiyak. hindi ko kaya eh.

napatungo na ako nun. nakakahiya kasi eh. napaiyak pa ako. ang tagal tagal na nun. bakit hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin?! ayoko na

hinarap ako ni AJ sa kanya tapos yinakap niya ako. Oo, yinakap niya ako.

"ang swerte nga naman niya. siya pa minahal mo"

lalo akong naiyak nun. feel ko ngayon ko lang naibuhos yung 2 years na sakit na naramdaman ko. natandaan ko ulit yung sinabi niya sakin nung nawalan na ng KAMI, "bakit ka ba ganyan ha? parang hindi kita girlfriend ah!"

"siya pala..."














Oo, siya nga
si Francis Daniel De Guzman :(

No comments:

Post a Comment