foundation dito. foundation doon. ayos ng buhok dito. banat doon. badtriiiiip. ayus ng ayus. wala ng iaayus yan, dati ng maayus mukha koooo. amp, nagmumukha akong bakla neto eh. prom lang 'to mga neng, mukhang ikakasal ako ah!
"grabe naman kayo mangbanat ng buhok. baka mamaya kalbo na ko pagdating dun eh!" at syempre, ako naman 'tong pambansang reklamador :))
"ano ba Zerliii?! kuya ko partner mo. dapat maganda kaa >:)" siya ang may pakana ng pagdurusa ko. tandaan niyo ha. si Andy Benitez.
"oo nga naman! magiging masaya ka rin naman pagtapos neto eh. wala ka namang binayaran eh :))" at eto naman ang ever so loving bestfriend ko na ever so supportive kay Andy. tandaan niyo din 'to, si Shaina Corpuz.
"pssh" at ako ang napaglaruan. si Zerlina René De Castro.
"bakit ka ba ganyan ha? parang hindi kita girlfriend ah!"
"ikaw din naman. parang hindi ka boyfriend sakin ah"
hopyaaaaa. mali mali. masyado na palang late nung 1st year highschool. medyo ilapit natin. kamakailan lang, last week lang ata yun. HAHAHA. dapat daw lahat ng juniors may date sa prom. eh dahil masyado nga akong maganda at super lumelevel-up ang beauty ko, walang nagyayaya sakin sa prom. alam niyo yun, masyado kasi akong overqualified. chaaaaar :)) ewan ko ba kung bakit walang nagyaya sakin. hindi ko rin maintindihan sa mga kalalakihan ngayon kung ano bang taste nila sa babae. siguro, gusto nila ng mga wild type. yung tipong pagtapos ng prom, diretso kama na. eeeew naman yun diba?!
kaya ayun, yung mga tao tao ay gumawa ng isang activity para sa lahat ng mga juniors. hiniwalay lahat ng may mga date na at walang date. ayun, sa kasamaang palad, unti lang kaming mga walang date. mga 15 students lang ata kami. lima dun ay yung mga nerds. yung tipong, ang gusto nilang maging prom date ay yung mga libro na lang nila. tapos yung iba naman, syempre, yung mga hindi biniyayaan ng you know. yung `the looks`. ang ikinagulat ko na lang ay yung nag-iisang GWAPO *ehem*, maayus ang itsura lang pala na lalake na andun sa area na walang date.
overrrr. baka mali naman 'tong napuntahan ko kasi imposible naman na ang isang Aron Jie Benitez ay walang kadate. imposible na wala siyang yinaya na babae no. grabe kasi, boyfriend ng bayan yan eh. malamang ex ng bayan din. tapos heartbreaker ng bayan. mapagirl ka man o mapaboy ka, basta may kailangan siya sayo, papatusin ka niya. ewww. nagkajowa nga yan ng bakla eh. iniyakan lang siya gawa ng nalaman, pineperahan lang pala. alam mo na, kailangan kasi niya palagi ng load para maligawan yung mga babae na gusto niya talagang ligawan. okaaaayyyy, diba impusible yun? dapat atleast nga may plano yang idate ang limang babae tapos iiwan niya na lang sa ere. dun pa ako hindi magugulat :)))
so yun nga, ang activity na 'to ay parang business. bentahan daw kumbaga. so yun, hiniwalay yung mga babae sa lalake. yung mga lalake yung mga ibebenta. yung mga babae daw yung bibili. kaso ang twist, kabarkada ng babae ang bibili para sayo. at sino ang mga kabarkada ko? malamang yung dalawa na pinatandaan ko sa inyo kanina. si Andy at Shaina >:))
"we'll start our bidding na. unahin natin ang for sure na bentang-benta. si Aron mula sa section C"
nagsigawan naman yung mga babae pati yung mga katropa niya sa bandang likod. for sure, trip din 'to eh. napangiti na lang si Aron sa kanila at syiiiiiiiiiit ang pogiiii O.o watdahel?! nagninilandi na naman ako dito. ampudi x_x
"the lowest amount will be 100pesos"
may nagbid ng 150 pesos. ohaaa. benta nga. tinapatan naman netong si Andy ng 200. ay bwiseeeet, wag ako. kahit cute siya, ayoko siyang kadate. nakakahiya kayaaaa :))
may tumapat sa kanya ng 300 pesos. wuuu. go kung sino ka man! :))
tumapat naman si Andy ng 400 pesos. ayy grabe, kayaman naman ng babaeng 'to. basta siya ang may bayad, wag ako. kundi wala na siyang ulo kapag binatukan ko siya :))
may sumigaw pa ng 450. hanggang mgng 600. nagbilang si Andy ng pera.
wala na siyang pera (?!) o.O *crossfingers* amp.sana wala na para tapos na ang lahat ng 'to.
"omg!meron pa!"
ghaaaaaaaad.
"700 pesos!!"
nagbilang na sila ng 5..4..3..2..1..o.. at hanggang marinig ko na lang ang nakakainis na parte ng prologue na 'to.
"okaaaayyy, Aron is sold to Zerli by 700 pesos!"
badtrip diba? :x
No comments:
Post a Comment